Because it's the 7th Anniversary of QUAKERZ today (Nov. 14, 2009), I would like to repost this very creative blog post from a genius.
Hope you will like this as much as I do :]
***
ALAMAT NG PIZZA
Quakerz, alam nyo ba na may blind items ako tungkol sa inyo? Sabihin na lamang natin na dadaanin natin ang walang kuwentang kuwentong ito sa pamamagitan ng simili.
Habang may binabasa akong babasahin ay may naisip ako. Para kakong gusto ko ng pizza. Ung Lynn’s lang ha para mura. Anyway, ang isang barkada pala ay parang pizza na binubuo ng iba’t-ibang sahog, sangkap, in other words, toppings. Alam ba ninyo kung ano naisip ko? Mukha pala tayong pizza. Hidi physically ha. Mentally. Utak pizza tayo. Joke. Symbolically lang pala. Basta. Diba sa pizza ibaiba lasa nung mga toppings. Pero magkagayun man, nagiging malasa pa rin ung pitsa kahit na ibaiba lasa nung mga sahog nito. Parang tayo diba? Ibaiba man ang mga hilig sa buhay, ibaiba man ang mga layuning makatao, di man magkakatulad ang ating mga interests, nagiging napakasaya at powerful pa rin naman tayo kahit na di tayo samasama. Basta. Corny noh? Ewan. Eto na ung blind items thru the toppings in a special pizza.
Pinya- Sino itong pinya ng quakerz? Bakit pinya? Kasi ung pinya di ba parang napakaasim? Eun. The first time you see a pineapple chunk in a pizza, your initial reaction may be “eeew” or something like that. Pero, pag nakain na, matamis pala. It balances the holistic taste of the pizza. Siya, parang ganun. Parang sour kasi siguro e napakabusy. I mean busy talaga. Pero he/she still remains sweet kahit anu pa man. Napakasweet pa rin especially when he/she’s with us. E ayun. Lavia pinya. Fave fruit q un e.
Cheese- Sino naman kaya itong cheese ng quak? We all know that cheese is one of our most favorite food products. Everyone loves cheese. Di ba? Parang siya. Loved by everybody. Though love naman talaga natin ang 1t 1 diba? Pero just like cheese na nakapagpapasakit ng tiyan pag lactose-intolerant ka, he/she naman can also make your stomach ache through the punchlines and jokes na binibigay nya. Givaway na ata.
Anchovy- in tagalog, dilis. Giveaway? We all know that dilis is 1 of the smallest fishes in the world. Just like him/her, may kaliitan syang tao. Pero kahit na di sya kasingtngkad ni yaoming, malakas pa rin ang presence nya. Parang anchovies, maalat at malakas ang lasa. Siya, maliit man, malakas naman ang presence at malaki ang naiaambag na lasa sa buong pizza ng quakerz. we lav dilis
Sili/Bellpepper-maanghang, majo matapang ang lasa. yung quakerz na ito e mejo maanghang ang dila. Mura ba naman nang mura. Hehe. Givaway ulit? Pero part talaga yun ng buhay db? Hehe. Gayunman, we still love our sili. Strong flavor ang naicocontribute nya sa group. Amoy sili pa talaga. Jowwk. Lavia
Onion-sino ito? Bakit onion? Kasi onion in a pizza, one of the main contributors of a great holistic flavor. Though konti lang angrequired in a pizza, very flavorful naman pag anjan xa. Parang sya, a little goes a long way. When he/she’s with us, parang well-rounded na ang lasa. With the onion’s deep purple color, gumaganda ang appearance ng pizza. More than just flvor, appetizing presentation pa. Parang xa, magimik pero nakakatuwa. We’re proud of him/her.
Mushrooms-eto obvius na. Engot na di makakakuha. 3 sila. Bakit mushroom? Button, honshimenji, saka portobello mushrooms in a pizza. So what? basta. Mushrooms do not contribute that much flavor di ba? Parang bland ang lasa. But whenverwe see mushroom in our food, we may conclude na very special, expensive at ibang level na yung food. Parang sila. Mejo bland kasi madalang makasama pero they still make our group very luxuriously special. We still love them.
Tomato sauce- this ingredient is one of the most pansinin in a pizza diba? Kitang kita mu kaagad yung rich red color nya. Napakaflavorful pa. Parang sya, malakas ang dating. Pansinin, standout. Pero tomato sauce does not only go with pizza. Pwede rin sa spaghetti, menudo, caldereta, etc. Siya, he/she mingles with many other groups. Understandable naman. Pero pag sa pizza mo inilagay ang tomato sauce, tiba-tiba na. Alin ba pinakamahal sa mga pagkaing ito? Xempre pizza. He/she is most special when he/she’s with us.
Crust-di masyaong pansinin ang crust. Minsan ganito siya. Pero ngayon, hindi na! Promise. Nauso na diba yung cheesy crust, ska cheesy pops. Ganitong klase xa ng crust. Very special. He/she may be an ordinary crust before pero ngayon, nag-evolve na siya into a very special and flavorful crust. Un!
Last but not the least,
Pepperoni- pinakaspecial sa lahat. I’m sure special din sya senyo. Napakabait nya e. Bida pa lagi. Hehe. Di ako un ha. Assume nyo na lang. Pero pride ng pizza ang main star nitong sahog diba? Hehe. Wala lang. Basta love natin si pepperoni. Lahat naman tayo pepperoni e. Gusto nyo italian sausage pa o beef. Basta we are all stars in our own special ways.
To everyone, napakahirap magtype kaya sana maapreciate nyu ung alamat ng pizza. Sana binasa nyo nang buo. Mabuhay ang quakerz pizza. Punta lang ako sa Lynn’s ha. Maka-order na nga. Geh paalam!
***
A blog post from http://quakerz.co.nr
By Ramadan de Jesus
wow.. ganda tlga tong alamat na to, fave alamat ko to.. hahaa
ReplyDelete