Monday, March 1, 2010

The Departure

Long time since I last wrote in my blog, dahil puro gadget updates ang pinopost ko. Anyways, malungkot na masaya ako dahil sa departure ng aking pinsan na si Kristine, popularly as Tin tin, o TiTi kung tawagin ko. She went to Singapore for her on-job- training with a contract of 6 months stay, so approximately by September ang uwi niya. Malungkot because first time naming (actually sila lang) maghatid ng pinsan papuntang airport, mostly kasi mga magulang, tito, tita lang ang nagaabroad. Siya ang una sa aming magpipinsan (mother’s side) na umalis papuntang abroad. Hindi namin maramdaman nung araw na nagpeprepare palang siya ng mga gamit niya, pero kapag pala yung nandun ka na sa point na ‘for real’ na, iba talaga. Actually, kaya nga hindi ako sumama sa paghatid eh dahil baka maiyak lang ako at isa pa may trabaho ako kinabukasan. Nung nagpaalam nga siya, naluha ako ng konti, kasi siya yung pinaka-close kong pinsan na babae sa bahay, mahirap i-let go yung mga ginagawa nyo dati.

On the happier note, ok yun kasi makakaexperience na siya maging independent and makakapagtravel na siya. Makakabili na rin siya ng mga gusto niya and I’m sure she will enjoy the whole Singapore experience –mula sa pagsakay sa plane hanggang sa pag-OOJT. I know na maninibago siya sa umpisa (kami rin) but in the long run, we’re gonna get used to it.

Alam ko na hindi siya yung huling ihahatid namin papuntang airport, time will come halos lahat din kami ay aalis at sa ayaw namin at sa gusto hindi na kami masyadong makakapag-bond like we use to do for everyday.

Maybe sa susunod na maghatid sila ako na pala yung ihahatid nila sa airport. Kaya ko kaya un? (LOL)

No comments:

Post a Comment