April 14, 2005. Limang taon na ngayon, kung saan ginanap ang isang get2geder na tinawag na “VIGDAE” (salitang Che-Che na ang ibig sabihin ay Big Day). Isa itong post celebration para sa aming pagkakagraduate sa high school at pagdiriwang na rin ng aming lunaversary.
Hindi ko na maalala kung paano ba ito plinano o kung kailan namili ng mga pagkain o whatsoever. Ang mahalaga ay may mga naaalala pa ako na ish-share ko sa inyo.
Sa araw ng swimming:
Sa aking pagkakatanda, kami noon ay nakasakay sa isang pampasaherong jeepney na prinovide ng Don John Benedict C Piscasio. Aalog-alog kami noon sa loob dahil kakaunti lang naman kaming sakay nito. Kumpleto halos ang barkada noon na nagkita kita sa isang lugar. At dahil kilala si Jayzel Ann DG Siodora sa pagiging ‘quitter’ (hindi yung social networking site) at malamang sa hindi sya sumama, napagkasunduan naming sunduin sya sa bahay nya mismo, sa Sta. Barbara tabi ng simbahan at malapit sa Iglesia ni Cristo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ako sa bahay nila sa loob ng mahigit 9 taon naming magkaklase. Inabutan naming walang kaalam alam ang kanyang pamilya na may swimming palang magaganap, kaya iyon hindi sya pinayagan, bagay na hindi namin inasahan dahil akala namin kapag biglaan ang pag-aaaya ay mauuto namin ang kanyang pamilya, ngunit kami ay nabigo. Pagkatapos nito ay dinaanan naman namin ang Dave Samuel R Resultan. Hinintay namin siya sa bungad ng Rocka, isang village na malapit sa WalterMart Plaridel at may Mini Stop sa bungad. Sa kanyang pagpasok sa jeep ay tumambad sa amin ang kanyang ‘paper white’ na kutis, ito ay dahil sa kapal ng pinahid nyang sun block sa kanyang buong katawan (takot umutim ang lola). Pagkatapos ng matagal na hintayan, finally papunta narin kami sa aming destinasyon.
Venue: Paradise Resort, hindi ko alam kung sino ang nagsuggest na dito magswimming o kung sino man nakakaalam na may nag-eexist palang resort na ganito. Nagulat nalang kami at nandoon na pala kami.
First time: Ito yata ang unang swimming namin na wala kaming kasamang nakakatanda na magluluto ng pagkain o magbabantay ng aming cottage.
Utensil: Humihiram lamang kami ng mga kasangkapan sa aming kapit-bahay sa cottage (kutsilyo ata yun).
Food: Marami rin naman kaming dalang pagkain noon, kanin, hotdog, mangga, chichiria, etc, ngunit ang hindi ko makakalimutan ang ang tilapia. Doon ko lang nalaman na ang tilapia pala ay hindi kinakaliskisan kapag iiihaw (a lesson from Nurse Benny), sayang lang ang pagkakasugat-sugat ng kamay ko sa pagkakaliskis ng isda.
Swimming proper: Ang naalala ko nalang ay nandoon kami sa ilalim ng ‘cave-like’ structure at binobosesan natin ang mga nakikita nating nagsuswimming. Hindi ko rin matandaan kung mayroon bang buwanang dalaw si Rochelle G Villanueva nung mga panahong ito, dahil sa tuwing nagsuswiming ang barkada ay lagi nalang siyang may period (maybe just to prove na babae talaga siya).
Exit: Mas naunang umalis ang Dave dahil may mga commitments pa raw ito. Na mariin naman naming hindi pinaniwalaan. (jowk)
Moment: Of course, mawawala pa ba ang picturan sa bawat gala? Uso pa noong mga panahong iyon ang mga camera na may 24 or 36 shots na film. Yung tipong bawal buksan dahil baka ma-expose at masira ang kakaunti at tinipid mong mga kuha rito. Ang kainaman naman sa camerang ito ay iwas ‘delete’ sa mga candid shots at wala rin itong preview, so it’s a must na ipaprint mo ito whether you like it or not.
Conclusion: As expected lahat ay nagkulay Manahan ng mga panahong ito, maliban nalang kay CheChe na natural na ang kulay, given na kumbaga. Naaalala kong bumili ako ng lotion na skin white after nito (dahil sa hindi katanggap-tanggap na anyong lupa). Over-all, masaya naman yata ang vigdae na ito, sana maulit.
***
Also posted on our blog site: http://quakerz.chirrific.com

No comments:
Post a Comment