Starting today I will try to write on this blog to act as my daily journal.
1st day of September
As usual, ang dami paring gawain sa office. Pagkatapos ng isa, may dadagdag na naman, kaya ang resulta? Same load for everyday. Sabagay, ok lang naman kasi mas nakakatamad ang walang ginagawa sa maghapon.
Dahil hindi ako naglunch ngayong araw na ito, natuloy na ang Pizza ''Party'' namin na pinaguusapan ni Ate Jen, sumama rin si Rollyn. Bago nga pala yan ay ang ambush website approval ng aming EVP na nagpunta pa sa office namin (Whew, ang tagal bago nagsink-in sa akin, hihi).
Sa paguwi naman, as usual, umuulan (lagi naman kapag 5pm mahigit). Nasakay agad ako sa tricycle na amimoý parang nakikipag race sa bilis at apura sa pag over take. Ang nasabi ko nalang sa isip ko "Kuya, kung gusto mo nang mamatay, kaw nalang pwede? Marami pa akong pangarap eh!" Haha. Thank God nakauwi naman ako ng maayos at kumain ng mainit na sopas ni Mame.
Lesson: Take a break AKI, nandyan lang ang trabaho, di ka iiwan nyan. Pero wag mo naman takasan, kasi sa huli, tanging ikaw rin ang gagawa dyan.
No comments:
Post a Comment