Wednesday, December 1, 2010

First day of December

December 1, 2010

24 days before Christmas and 20 days before my birthday. Another year added sa aking age. Hay, pero sabi nga ng isa kong friend, Twenteens parin naman daw ako, hehe.

Kahapon, inoffset ko ang pinasok ko ng Monday for the BUSSC Comm Group Team Building Workshop. At dahil rest day ko ito, I decided na doon ko na gawin ang aking Christmas shopping, early indeed. Bumili na ako ng regalo para sa aking inaanak at sa mga 'sabit/alalay'. Over-all? I wrapped all the gifts and felt too excited to distribute it all the way! Hihi.
And another thing, my room light was finally fixed, after a heck of a month. Grrr.

Dahil sa pag-off ko ng isang araw, isang tambak na trabaho ang bumungad sa akin, simula palang ng pag-in ko. Masyado naman nila ako namiss ata. Hehe. Anyways, kwento ko nga pala na nagjudge ako ng isang Poster Making Contest for the Dental Health Month primer. Kung dati ay ako ang jinujudge, well hehe. Sa mga hindi po nakakaalam, out of 25 na sinalihan kong poster making, 4 palang dun ang panalo. Maybe ang pagiging judge ang calling ko. Hehe. Naka-relate tuloy ako sa status ni Danica:

"Winners are not those who never fail but those who never quit."


The good thing is, Hindi naman ako nagquit kahit ilang beses akong natalo, the mere fact na piliin ka at magtiwala sa iyo to represent your school is really overwhelming. Sa totoo lang, wala pa pong suporta sa bawat laban ko (no personal trainer, training, etc etc).

4pm Meron naman stress breaker which is the annual Christmas Lighting Ceremony. Na-feel ko ulit na magpapasko na naman. Hay. Another food festivity, sharing, gift giving, simbang gabi, at MMFF movie hopping. Hehe.

Ang haba ng araw na to! Pero it's worth the effort. Seeing those thankful people na napasaya mo through the little time you've given. Diba, it's better to give than to receive?

Pano, till next post! Yeba.


Lesson: Aki, kailangan ng lakas ng loob para maging isang photographer. Hehe and huwag i-under estimate ang fireworks ng BU.

No comments:

Post a Comment