Manual Voting Process:
Like
- Mas mabilis na daloy ng mga botante sa presinto.
- Walang tsansang masayang ang boto kung sakaling magkamali man o madumihan ang balota ay mayroon pang reserbang mga balota.
Dislike
- Matagal na bilangan.
- Laganap na dayaan.
Automated Voting Process:
Like
- Mas mabilis na paraan ng pagboto.
- Big leap sa ating electoral system (Mas naaayon sa makabagong panahon)
Dislike
- Limitado at mabagal na daloy ng botante sa presinto.
- Pagkasayang ng boto at pagkaliban ng bilangan dahil sa problema ng PCOS machines o mga nagkamaling mga pre-made ballots.
- Makabago o mas high tech na paraan ng dayaan.
***
Minsan narin naming iminugkahi ang makabagong paraan ng pagboto para sa paaralan. Ito ang aming Thesis na pinamagatang "A Network Voting System for Baliuag University Student Organization Elections". Kung saan ay nakita rin namin ang mga epekto nito sa school elections - positbo at negatibo. ***
Mahaba pa ang lalakarin ng usapang ito. Ngunit dalawa lamang ang maaring maging katanungan:
Itutuloy pa kaya ang automated election process sa mga susunod na eleksyon? O babalik nalang tayo sa manual na sistema?
Ang dapat lamang na tandaan ay maiba man ang sistema sa botohan, ang mahalaga lamang ay ipaglaban ang iyong karapatan na bumoto, dahil malaki ang magagawa ng ating 1SANG BOTO!
No comments:
Post a Comment