Isang masayang araw, mula pagising hanggang pagtulog.
Isa ito sa mga araw na hindi ako nahirapan gumising. Kung hindi ninyo kasi naitatanong, ang isa sa mga motto ko sa buhay ay "Hindi baleng puyatin mo ako, huwang mo lang akong gisingin ng maaga". Tama ang nabasa ninyo, hate na hate ko ang gumising ng maaga, kahit almost a year na akong nagtatrabaho. Pangalawa, Maayos din ang paggayak ko nung araw na ito, hindi ako pumasok na parang tumakbo dahil hindi ako gaanong pinawisan at ang ang pinakamahalaga ay hindi ako late sa opisina. Pangatlo, nagkaroon din kami ng moment ng aking 'kaibigan' kung saan nakapagusap kami at nagkasama ng kami lang sa loob ng mahabang panahon, na kami lang (blush). Gumala din kami ng aking ka-opisina upang kunin ang aking pinagawang silver piece, na nasatisfy naman ako sa kinalabasan.
Pagkatapos naman ng trabaho, pumunta kami sa bahay ng isa ko pang kaibigan upang i-celebrate ang birthday nito. Isang umaatikabong kainan ang nangyari, kasama na sa mga putahe ang paborito kong puto (Aling Citang) na special request ko pa sa kanya. Ang sarap kasi ng handa nya, hindi ko lang alam kung masarap ba talaga o sadyang gutom lang ako. Isa rin ito sa mga okasyon ng barkada kung saan kumpleto kaming lahat. Masaya ang gabing ito, hindi na nga namin namalayan na inabot na kami ng alas-nwebe, dahil sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano (pasensya na sa abala, kulang lang talaga yung oras).
At kahit sa punto na ng uwian ay masaya pa rin kasi umuulan noon, masarap kumain sa bahay at masarap matulog! (LOL)
At kahit sa punto na ng uwian ay masaya pa rin kasi umuulan noon, masarap kumain sa bahay at masarap matulog! (LOL)
Ang to top it all, it's Friday. Start of my long vacation! Sana lagi nalang ganito.
No comments:
Post a Comment